Bagong PAF chief, malalaman bukas

INANUNSYO NG Malacañang na bukas, Enero 10, na lamang hintayin kung sino ang bagong commanding general ng Philippine Air Force (PAF).

Ito ay dahil bukas ang turn-over ceremony sa PAF leadership dahil naabot na ni PAF Commanding General Lt. Gen. Oscar Rabena ang retirement age na 56.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hawak na ni Pangulong Benigno Aquino III ang shortlist para sa susunod na PAF Chief ,subalit wala pang abiso kung sino ang na-pili ng lider ng bansa.

Depensa ni Valte, hindi naman ito ‘first time’ dahil sa mismong turn-over ceremony na rin inianunsyo ng Pangulo ang pagkakatalaga noon kay AFP chief Jesse Dellosa.

(EUNICE CALMA)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.