Bagong “Normal” sa Munti, Pinatutupad ni Fresnedi

NAGSISIMULA NANG masanay ang mga Muntinlupenyo sa bagong “normal” sa lungsod dahil sa pagsisikap ni Muntinlupa City Mayor Jaime R. Fresnedi na madala ang maayos at sapat na serbisyo sa mga mamamayan sa kabila ng kakulangan sa pondo.

Nagsagawa si Fresnedi ng biglaang inspeksyon kamakalawa upang matukoy kung paano pa mapaiigting ang serbisyo ng pamahalaang lungsod.

“Nakikita naman ng ating mga kababayan na ang hamon para sa atin ay kung paano magdadala ng serbisyo kahit na maliit ang budget,” ani Fresnedi. “Gayunpaman, ang pagsasagawa ng trabaho nang mahusay ay makapaghahatid ng kasiyahan sa ating mga kababayan sa kabila ng kakulangan natin sa pondo.

“Dapat din nating tandaan na mas marami tayong magagawa kung magtutulungan tayo,” dagdag niya.

Inatasan ni Fresnedi ang Environment Sanitation Center na ayusin ang koleksyon ng basura at paglilinis sa mga kalsada sa pamamagita ng mas madalas na iskedyul ng mga trak at deployment ng mga street sweepers.

Kinumusta n’ya rin ang pamimigay ng tulong-pinansiyal ng pamahalaang lungsod sa mahigit 100 pamilya sa Barangay Cupang na apektado ng isang court order na lisanin ang lupang tinitirhan nila. Kusang nag-demolish ang mga pamilya ng kanilang mga tahanan at binigyan sila ng P5,000 tulong-pinansyal upang makapagsimulang muli.

Samantala, nag-monitor din at inalam ni Fresnedi ang kakayanan ng Lungsod na harapin ang mga pagbaha at madalas na mabigat na pag-ulan sa panahong ito. Inatasan niya ang rescue at social services na manatiling handang tumulong samantalang ang traffic bureau naman ay kailangang mapanatili ang maayos na takbo ng trapiko sa panahon ng sakuna.

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.