Bagong NDRRMC Chief, Uupo Na

NAKATAKDA NANG i-turnover ngayong araw ni outgoing National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Benito Ramos ang kanyang mababakanteng puwesto.

Ayon kay Ramos, ginawa na niyang leave ang mga natitirang araw bago maging epektibo ang kanyang resignation sa unang araw ng Pebrero.

Ngayong araw aniya’y magre-report na sa NDRRMC si Ret. Maj. Gen. Eduardo del Rosario na siyang papalit sa kanyang iiwanang puwesto.

Isasailalim na muna aniya sa oryentasyon si Del Rosario bago tuluyang ipaubaya ang operasyon ng NDRRMC.

Huling nagsilibi si Del Rosario bilang commanding general ng 2nd Infantry Division at acting commanding general ng South Luzon Command bago magretiro.

Samantala, naging pinuno rin si Del Rosario ng Task Force Davao na siyang nagpanatili ng katiwasayan sa lungsod at mga karatig-lugar.

Nagbitiw si Ramos sa ikatlong beses nitong Enero 8 para matutukan a-niya ang kanyang asawa na iniinda na ang sakit na Diabetes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.