Bagong NCRPO Chief may magagawa ba laban sa sugal?

MAY MAGANDA KAYANG magagawa ang bagong hirang na National Capital Regional Police Office (NCRPO) na si director Gen. Chief Supt. Allan Lim Purisima laban sa mga iligal na video karera machine at mga kauring sugal?

Ito ngayon ang katanungan ng mga naiiritang residente ng Malabon dahil sa simula pa lang ay inutil na at wala pang silbi ang ope-rasyon ng PNP laban sa mga iligal na sugalan sa nasabing lugar.

Ayon pa sa mga mamamayan ng lungsod, alam umano ng lahat na si ‘Triple One’ ay pader ang sinasandalan na isang mataas na opisyal ng Malacañang.

Gayundin daw si Purisima na kilala umano bilang ‘P-Noy boys’ kaya hindi na sila umaasa pa na tuluyang masusugpo pa ang iligal na sugal sa kanilang lugar.

“Kung may dedikasyon sa kanilang tungkulin sina PNP Director Gen. Chief Supt. Balcalzo at Gen. Jose Purisima, ipakita nila na wala silang sisinuhin para sa ikasusugpo ng mga masasamang bisyo partikular ang sugal,” wika ni Mang Tomas na taga-barangay Baritan.

Sinabi pa ng mga residente, tinatawanan lang ng isang Boboy Go, operator diumano ng video karera machine sa lahat ng barangay sa Malabon ang kapulisan dahil sinabi pa umano ni Go na “pera lang ang kapalit sa iligal na o-perasyon ng video karera”.

Lubhang kahiya-hiya ang kalalabasan ng imahe ng PNP kung magpapatuloy na walang magagawa laban sa mga gambling lord sa buong bansa at paglaganap ng droga at kriminalidad sa nasabing lungsod.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.