Bagong Modus Operandi Holdaper ng mga taxi drivers, nagkukunwaring magnobyo

LABIS NA PAG-IINGAT ang dapat gawin ng mga taxi drivers, makaraang mabisto ang bagong modus operandi ng mga holdaper na nagkukunwaring magnobyo at sasakay, pagka-tapos ay magpapahayag ng holdap.

Ganito ang sinapit ng isang taxi driver na hinoldap at pinatay ng mga holdaper na kinabibilangan ng isang lalaki at babae sa Caloocan City, noong Martes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Edgar Mahusay, 45, may asawa, residente ng # 30 Barangay Maysan, Valenzuela City, sanhi ng tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa batok.

Sa report ni SPO2 Mario Solangon, officer-in-charge ng Station Investigation and Detective Management Section ng Sub-Station 1, bandang alas-11:20 ng gabi nang mangyari ang krimen.

Sumakay ang mga suspek na nagkunwaring magnobyo sa minamanehong La Niña taxi (PYP-779) ng biktima sa panulukan ng Talipapa GSIS Hils, Caloocan City. Ilang sandali ang lumipas, nagpahayag ng holdap ang mga suspek at tinutukan ng baril si Mahusay.

Nanlaban ang biktima kung kaya’t binaril sa batok na siya nitong ikinamatay. Mabilis na tumakas sa hindi mabatid na direksyon ang mga salarin. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.