Bagong modus ng carnapper, buking

IBINULGAR NI CHIEF Supt. Leonardo Espina, director ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) ang bagong modus operandi ng mga carnapping syndicate.

Ayon kay Espina, gumagamit ang mga ito ng lehitimong official receipt/certificate of registration (OR/CR) na inisyu ng Land Transportation Office (LTO) na binabago ng mga carnapping syndicate, kung saan na dagdag-bawas na ang mga impormasyon ng kinarnap na sasakyan.

Ganito aniya, ang nangyari sa isang bagong puting Mitsubishi GTA na may plate number na KFV 767 na nakarnap sa Quezon City noong Enero at nasita ng mga pulis sa Maa, Davao City dahil sa pagmamaneho ng driver ng hindi naka-seatbelt.

Sa pagsasalarawan ni

Espina, dagdag-bawas ang ginamit na sistema ng sindikato dahil binawasan nito ang pangalan ng tunay na may-ari ng sasakyan at dinagdagan ng bagong apelyido.

Ganito rin ang sistemang ginamit sa mga numero at letra sa OR/CR kung kaya hindi nagrehistro na nakaalarma ang sasakyan sa vehicle information and monitoring system.

Nadiskubre na lamang ang modus nang i-check na ang chassis number at engine number mismo ng sasakyan na hindi binago ng sindikato.

Dahil dito, binalaan ng PNP-HPG ang mga motorista, partikular na ang nagbabalak bumili ng segunda manong sasakyan, na mag-ingat sa bagong modus ng carnapping group.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.