Bagong Maguindanao PNP director, tutok sa BIFF

PORMAL NANG umupo ang bagong PNP provincial director ng Maguindanao.

Sa aktibidad, inilipat ni Sr. Supt. Marcelo Pintac ang pamumuno sa 2,000 strong police force ng Maguindanao sa bagong police director na si Sr. Supt. Jaime Pido, dating hepe ng PNP Regional Logistics Research and Development Division at supply officer ng PNP sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Inilipat naman si Pintac bilang regional supply officer sa PNP-ARMM regional headquarters sa Camp SK Pendatun, Maguindanao.

Pinangunahan ni Chief Supt. Mario Avenido, police regional director ng PNP-ARMM ang nasabing turn-over of command sa Maguindanao PNP provincial office sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, inihayag ni Pido na ipatutupad nito ang batas sa lalawigan upang mapanatili ang law and order.

Kabilang umano sa mga prioridad nito ay ang mga loose firearms, armed lawless elements, terorists, extortionist, mga cattle rustlers at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.