Bagong layang miyembro ng Sputnik, itinumba

PINANINIWALAANG PINATAHIMIK NA ang isang bagong layang miyembro ng “Sigue Sigue Sputnik” nang barilin ito nang malapitan ng isang hindi nakikilalang vigilante sa Caloocan City noong Miyerkules ng umaga.

Walang-buhay na tumimbuwang sa kalsada sanhi ng dalawang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ulo ang biktimang si Reggie Netora, 26, residente ng Phase 3, Package 2, Bagong Silang ng nabanggit na lungssod.

Matapos ang pamamaril, kaagad namang tumakas ang hindi nakikilalang suspek dala-dala ang ginamit na baril sa hindi nabatid na direksyon.

Base sa ulat ni SPO4 Danilo Salas, ng Station Investigation Division ng Caloocan City Police, dakong alas-11 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa harap ng Bagong Silang High School, hindi kalayuan sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na kasalukuyang nakatayo ang napatay at naghihintay umano ng bibiktimahin nang biglang dumating ang hindi nakikilalang suspek.

Walang sabi-sabing pinaputukan ng suspek ng dalawang ulit ang una sa ulo na agarang ikinamatay nito.

Ayon pa sa pulisya, ang namatay ay kalalaya lang mula sa bilangguan at sinasabing sangkot umano sa mga nagaganap na robbery-hold-up at akyat-bahay sa nasabing lugar.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.