Bagong laya, walang ligtas kay kamatayan

HINDI NA nalasap ng ex-convict ang masayang buhay sa labas makaraang barilin ng isang miyembro ng kilabot na Batang Min-danao (BM-29) sa Brgy. Agusan, Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktima na si Johnly Manlinu-ay, 28, residente ng nasabing lugar.

Si Manlinu-ay kakalabas pa lamang ng Davao Penal Colony matapos makulong sa kasong murder walong taon na ang nakalipas.

Naglalakad sa daan ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang binaril ng isang hindi kilalang suspek gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Nagtamo ang biktima ng tama ng ulo, dibdib at panga na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Ayon sa pulisya, kabilang din sa kanilang tinututukan ang anggulong personal grudge at love triangle.

Itinanggi rin nila na ang pagpatay sa biktima ay kagagawan ng grupo ng nagpapakilalang vigilantes.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.