Bagong kotse ni Willie Revillame, worth P45-M!

Willie-RevillameP45 MILLION lang naman daw ang halaga ng bagong luxury car na kabibili lang ni Willie Revillame na Lamborghini Aventador na kulay dilaw!

Pero idinispose o ibinenta muna raw ng TV host ang ang kanyang isa pang mamahaling kotse na Ferrari bago n’ya binili ang Aventador.

Isa raw si Wil sa apat pa lang na nagmamayari ng nasabing sasakyan sa buong bansa.

Iniisip din daw ni Willie na ibenta na rin ang kanyang Porsche, Audi, Bentley at iba pa n’yang milyones na halaga ng mga kotse para bumili ng bagong models ng mga ito.

Susunod daw ay baka ibenta na rin nito ang multi-million peso house n’ya sa ayala heights subdivision sa Quezon City at titira na lang daw si Willie sa penthouse n’ya sa kanyang pagmamayari na condominium na Wil Tower Mall sa likod ng ABS-CBN pagkagawa nito sa November ngayong taon.

Kahit wala pang show si Willie sa ngayon, busy pa rin ito sa pag-aasikaso ng kanyang Wil Tower Mall at sa bar nito inside the building na parang nasa isang five-star hotel ang feel ‘pag naroroon ka, gano’n din sa ipinapagawa n’yang hotel sa Tagaytay.

 

SA DARATING na May na raw pala isisilang ang baby boy ng anak nina former president and incumbent Manila Mayor Joseph “Erap” Ejercito Estrada at dating aktres na si Laarni Enriquez na si Jerika Ejercito.

Ang aktor na si Bernard Palanca ang ama ng ipinagdadalang sanggol ni Jerika na pangangalanan daw nilang Isaiah.

Ginanap daw nu’ng Biyernes lang ang baby shower ni Jerika sa events place sa Roofdeck ng gusali na pagmamay-ari ng Pamilya Ejercito-Estrada sa may Shaw Blvd. sa Mandaluyong City.

Hindi raw s’yempre nawala sa tabi ni Jerika ang kanyang boyfriend na si Bernard nu’ng baby shower na ‘yon, kung saan ando’n din daw ang kani-kanilang mga kapamilya at close friends.

Hindi lang namin sure kung nakapunta rin sina Mayor Erap, si Laarni at ang g’wapo n’yang kapatid na si Jake Ejercito.

Tila wala raw ang espesyal na babae sa buhay ni Jake na si Andi sa okasyon, dahil ang alam namin ay huling araw iyon ng taping n’ya para sa kanyang high-rating teleserye sa hapon ng ABS-CBN na Galema: Anak ni Zuma na matatapos na sa Biyernes.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

One thought on “Bagong kotse ni Willie Revillame, worth P45-M!

Leave a Reply

Your email address will not be published.