BAGONG HORROR MOVIE NI SHARON CUNETA: Poster pa lang, pinag-uusapan na!

Kuwaresma Movie Poster starring Sharon Cuneta

PINAGUUSAPAN ang poster ng “Kuwaresma” na first horror movie ni Sharon Cuneta. First din na magtatambal sila ng batikang direktor na si Erik Matti na kilala din sa mga pelikulang kakatakutan.

Sinisipat kung si Megastar nga ba ‘yong nag-prosthetic para magmukhang possessed sa pelikulang first time nila pagsasamahan ni Erik Matti.

Out of the box and not the usual Sharon kasi ang pelikula na first time ginawa ni mega ang ganung karakter.

Si Direk Erik, kilala pagdating sa mga pelikulang kakatakutan na alam ang kiliti ng mga manonood na mahilig sa mga horror movies.

Sharon Cuneta and Direk Erik Matti on the set of ‘Kuwaresma’

Based on the poster, bukod sa pangalan ni Sharon sa poster, nakalagay din ang pangalan ng aktor na si John Arcilla at ng isang Kent Gonzales (na malamang isang batang aktor) at wala nang iba pa.

Nag-last shooting day na ang pelikula only this week na ang Baguio City ang main location ng pelikula.

Si Sharon nga kaya yong babae sa poster na mala-Linda Blair sa The Exorcist?

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.