Bagong hepe ng PAF, kinilala na

ITINALAGA NG Pangulong Benig-no ‘Noynoy’ Aquino III si Major General Lauro Catalino dela Cruz bilang bagong commanding general ng Philippine Air Force (PAF).

Kasunod ng pagretiro ni Lt. Gen. Oscar Rabena, pinangalanan ng commander-in-chief si Dela Cruz bilang susunod na hepe ng hukbong panghimpapawid ng bansa.

Si Dela Cruz ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1980.

Bago pa ang pagkakatalaga sa pinakamataas na posisyon sa PAF, si Dela Cruz ay nagsilbing Chief of Air Staff at dating commander ng 205th Tactical Helicopter Wing.

Si Dela Cruz ay may diploma mula sa Massey University sa New Zealand at Master’s Degree in Management.

Kahapon ay dinaluhan din ng Pangulo ang turn-over at retirement ceremonies para kay Rabena sa Villamor Air Base, Pasay City. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.