Bagong Hepe ng Caloocan Police, Sinalubong ng Problema

SA PAGSISIMULA pa lang ng pag-upo ni P/Sr. Supt. Rimas G. Calixto bilang bagong talagang hepe ng Caloocan Police Station, problema kaagad ang ang sumalubong sa kanya makaraang putulan ng rasyon ng tubig ng Maynilad ang buong istasyon dahil sa pagkakautang.

Dakong alas-11 ng umaga kamakalawa ay pormal na itinalaga bilang bagong police commander ng Caloocan Police Station si Sr. Supt. Calixto, kapalit ng out-going police chief P/Sr. Supt. Jude Wilson Santos na mahigit tatlong taon ding naupo bilang hepe.

Ang ginanap na turn-over ceremony sa Caloocan City Multi-Purpose Hall ay dinaluhan nina National Capital Regional Office (NCRPO) director P/Chief Supt. Leonardo A. Espina at Caloocan City Mayor Enrico Echiverri.

Nabatid na si Calixto ay galing umano sa Region 4 na kaklase ni Santos na magreretiro na sa Mayo 2013.

Pero bukod sa pagpapababa ng crime rate sa bagong asignatura, problemado ngayon si Calixto dahil tatlong araw nang putol ang supply ng tubig.

Nabatid na umaabot sa mahigit P1.2 milyon ang utang ng Caloocan Police sa Maynilad sa loob ng 10 taon na ni-lang bill sa Maynilad.

Dahil dito, tiyak na mamamaho ang palikuran ng istasyon dahil na rin sa kawalan ng tubig.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.