Bagong Guidelines sa Senior Citizens, Sinuspinde ng SSS

SINUSPINDE MUNA ng Social Security System (SSS) ang implementasyon ng bagong guidelines para sa boluntar-yong kontribusyon ng mga kasapi na may edad 65-anyos pataas.

Ang nasabing usapin ay may kaugnayan sa walang required monthly contributions para sa retirement pension.

Ang naturang pagsuspinde ng SSS ay kasunod na rin ng kabi-kabilang batikos sa bagong patakaran.

Ayon kay SSS Vice President Agnes San Jose, nagpaliwanag ito na ang intensyon sana ng bagong guidelines ay proteksyunan ang pondo at mabayaran ang mga benipisyo.

Samantala, muli raw magsasagawa ng pagrepaso ang SSS sa bagong guidelines na una nilang inisyu noong buwan ng Abril sa kasalukuyang taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.