Bagong Gradweyt, Binoga ang Sarili

ISANG 22-ANYOS na bagong graduate sa kolehiyo ang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili sa Makati City.

Dead-on-the-spot si Maria Victoria Legaspi, 22, ng Euroflat Building Unit 205, Yakal St., Brgy. Comembo ng nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa kanang sentido buhat sa kalibre .9mm na baril.

Base sa pagsisiyasat ni PO3 Ronaldo Villaranda,  ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, dakong alas-10:25 nang matagpuan ang biktima na duguan at wala nang buhay ng kanyang kapatid na si Christina.

Bago ito nangyari, nakarinig ng putok ng baril si Christina mula sa silid ng kapatid na si Maria Victoria, kung kaya’t agad niya itong pinuntahan at tumambad sa kanyang harapan ang duguan at wala nang buhay na biktima na nakahandusay sa kama nito.

Nakuha naman sa tabi ng biktima ang isang kalibre .9mm pistol.

Nalaman na kaga-graduate lang ni Legaspi sa kursong HRM sa Far Eastern University.

Samantala, inaalam pa rin ng mga awtoridad ang dahilan nang pagpapatiwakal ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Bagong Gradweyt, Binoga ang Sarili

Leave a Reply

Your email address will not be published.