Bagong gf ni Joey Marquez, nabuking sa burol ni Douglas!

Nagla-lunch sa Crate & Barrel sa San Francisco, USA ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres nu’ng sabay na mag-ring ang dalawang phone niya. Doon pa lang, nakaramdam na si Richard na there’s something wrong. Sina Gelli de Belen at ang tagamapahala niya noon ng Goma Cup na si Marilen Nuñez ang nagparating sa kanya ng masamang balita na patay na ang kanyang manager na si Douglas Quijano.

Pagdating daw niya sa Heritage Park at makita amg bangkay ni Tito Dougs, tumulo sa unang pagkakataon ang kanyang mga luha para sa pagyao ng kanyang mentor.

“Nu’ng nakita ko na siya. Parang it was a realization na talagang wala na siya. Ah… it dawned on me na parang ‘eto na ‘yun. Talagang totoo na. Kasi habang hindi mo siya nakikita, you’re still hoping na sana kuwento lang ito. Sana hindi ito totoo,” sey ni Goma.

Hanggang sa huling sandali ng buhay ni Tito Dougs, marami siyang relasyon sa showbiz na nabuo ulit. Una, ang mag-inang Ruffa Gutierrez at Anabelle Rama. Pangalawa, ang dating mag-asawa na sina Jomari Yllana at Aiko Melendez. Pangatlo, ang pagkakaroon ng closure nina Jomari at ex-girlfriend niyang si Pops Fernandez.

Mismong si Jomari ang nagsabi sa amin na lahat ng magkaaway na nagkikita sa burol ni Tito Dougs, nagkakaayos. Sayang lang at wala si Aiko nu’ng Wednesday night kung saan dumating si Ara Mina. Tinukso naman si Jomari nu’ng alukin niya ng wine at pagkain si Ara. Dumating din that night si Pops pero hindi sila nag-abot ni Ara. Ang nag-abot ay ang executive assistant ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte na nagkaroon din ng ugnayan kay Jom.

Sa burol din ni Tito Dougs nabuking ang latest na babae sa buhay ni Joey Marquez. Ipinaskel kasi ni Goma ang picture ni Tito Dougs na kasama si Joey at girlfriend niya ngayon na isang bank teller named Jane.

PERSONAL NA NABASA namin ang sulat na ipinadala ni EDSA People Power Commision (EPPC) Co-Chairman Christopher Carrion para sa male lead star ng Only You na si Diether Ocampo. It was letter of intent for Diet na kinukuha nila bilang Commissioner ng EPPC.

Nagkita naman kami ni Diet sa Araneta Coliseum bago siya maglaro sa Wowowee All-Star Olympics pero wala pang kaalam-alam si Diet tungkol dito.

“Hindi pa ako nag-confirm. Malaking responsibilidad ‘yan kaya dapat pag-isipang mabuti,” sabi ni Diet tungkol sa intensiyon na gawin siyang Commissioner ng EPPC.

It only goes to show na si Diet and his fellow co-stars na sina Angel Locsin atSam Milby ay patuloy na kinukuha ng iba’t ibang organizations, both public and private, to be their spokesperson. At walang duda na Angel, Sam and Diet are some of the most influential young actors, hindi lang sa advertisement at endorsements, but with and over their age and socio-economic demographics.

Ibig ding sabihin, hindi lang nakakuha ng malaking audience share ang teleserye nilang Only You na napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN dahil sa magandang script, acting at direksyon nito, kundi pati na sa magandang imahe na ipino-project ng mga artistang bida sa show. Kaya hindi rin malayo na maging pulitiko talaga si Diet someday.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Related Post

loading...

14 thoughts on “Bagong gf ni Joey Marquez, nabuking sa burol ni Douglas!

  1. I saw that pic on tv ,I think the girl na kasama sa pic ni joey ,in fairness. … maganda at smart ,i heard hindi un teller kundi Manager ng Bangko ….anyway buhay nila un…swerte ni tsong…anu ba meron….

  2. I agree bootylicious. I shop at Crate and Barrel for my knick knacks and home decor. I certainly do not want to eat there. There’s nothing that is edible. Oh well. . . Writers, please do your reasearch. :-)

  3. ano na nangyari dun sa kaso ni joey about sa over pricing ng walis tingting sa p’que? d b guilty sya dun? bakit hanggang ngayon naka2laya p rin sya?

    may bago na naman syang hahawahan ng STD tulad ni STD kris.

  4. yeah its cracker barrel, but i dont think , sa cali yun. wala silang branch dito sa cali. correct me if im wrong.

  5. ‘Tang na ka Joey naka kantot ka na naman ng ibang kepyas he he he! Sabagay nag sawa ka rin kay down (Kris Aqquino) Syndrome bwa ha ha haha! aa least siguro yang bago mong watot masikip pa ha?

    Bigyan mo rin siya ng STD yeheyyyy

  6. nakita ko yun pic ni joey with the girl sa PEP, naka pink ang girl. eh matagal nang balita yan eh, nagka anak pa nga daw si joey sa bank teller. not unless eh ibang version ng bank teller naman ito.

    at joey, ang STD, wag na ikalat ok?
    di bale na swine flu wag lang ang STD mong kadiri YUCKKK

      • in fairness dun sa girl na kasama ni joey sa pic ..nakita ko un sa tv ang picture nila…maganda sya and i heard smart daw kasi nga Manager ng bangko sabi ng kakilala ko …aba swerte ni tsong…anu ba meron…

  7. FYI: hindi po restaurant ang Crate and Barrell, mga anik anik na gamit sa bahay po ito. Nakakatawa naman kayo mag report – hindi ninyo ni-researh ng husto- LOL!

  8. anu kumain sa crate and barrel si goma and lucy?….eh home furnishing yun di ba hindi restaurant baka nag-shopping julie bonifacio…..

    • hekhek..may tama ka jan bootylicious..ang dami talagang flaws ang mga writer mapa pep or parazzi man..yan na nga lang ang ginagawa ninyo..nagkakamali pa

Leave a Reply

Your email address will not be published.