Bagong game show ni Luis na ‘I Can See Your Voice’ para sa mga sintunado

Luis Manzano

Ang hit game show na likha ng CJ E&M sa Korea na I Can See Your Voice ay nasa Pilipinas na rin. Hahamumin ng programa ang talas sa pagkilatis ng mga Pinoy sa mga totoong singer o sintunado.

 

 “Ang kaibahan siguro ng bersyon natin sa iba ay ’yung humor natin na tayong Pilipino lang ang mayroon. Gusto namin maparamdam sa mga tao na pwede silang magtawanan at wala masyadong tensyon dito,” paliwanag ni Luis na host ng programa tungkol sa mystery music game show.

Bagamat isa ng batikang host, aminado si Luis na may pressure pa rin siyang nararamdaman lalo pa noong bumisita ang representative ng Korean franchise sa bansa.

“Sinabi niya sa amin na sa Korea, may tatlong hosts —  isang host, isang komedyante at isang singer. Dito, ako lang,”  dagdag ni Luis.           

Nagsimula na ang I Can See Your Face nitong  nakaraang  Sabado at Linggo. Sina Gary Valenciano at Ogie Alcasid ang magkasunod na nag-guest.

Para tulungan at gabayan ang nagiging guest ay  makikigulo at magbibigay ng samu’t saring opinyon ang SING-vestigators na sina Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Wacky Kiray and Andrew E.

Mapapanood ang I Can See Your Voice tuwing Sabado at Linggo, 9:30 p.m. sa ABS-CBN. 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.