Bagong disenyo ng plaka, susugpo sa colorum

PAGSUSULONG NG kaligtasan sa lansangan at pagsugpo sa colorum ang ilan sa mga pangunahing layunin ng bagong disenyo ng plaka ng mga sasakyan na ilalabas simula Abril.

May go-signal na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang kumpanyang nanalo sa bidding para simulan ang limang taong kontrata ng pagsu-supply ng mga plaka: 5,236,439 para sa mga motor vehicle (MV) at 9,968,017 para sa mga motorcycle (MC).

Nangangahulugan na unti-unti nang mape-phase out ang umiiral na siyam na uri ng disenyo ng plaka.

Kagaya ng karaniwang disenyo sa ibang bansa gaya ng itim at puting plaka ng mga pribadong sasakyan.

Mananatili naman ang itim at dilaw na disenyo para sa mga “for hire” o public utility vehicles (PUV).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.