Bagong CPA Passers, Pinangalanan na

INILABAS NA ng Professional Regulations Commission (PRC) ang 1,553 bagong certified public accountants (CPA) na nakapasa sa May 2013 CPA Licensure Examination.

Mula ito sa 5,665 na kumuha ng eksaminasyon sa mga testing center sa Maynila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo at Legazpi.

Nailabas ang naturang resulta matapos ang isang araw na pagpo-proseso ng mga eksaminasyon mula sa huling araw na ginanap ang pagsusulit.

Samantala, ang De La Salle University-Manila ang kinilalang top performing school matapos 53 sa 55 examinees nito ang pumasa.

Para naman sa kumpletong listahan, bumisita lamang sa: http://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/CPA0513ft.pdf

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.