Bagong Co-Host sa Wowowee, kinahuhumalingan ni Willie Revillame?!

SOBRANG LAKI ANG pinagbago sa lifestyle ng isa sa mga bagong co-hosts ni Willie Revillame sa Wowowee.

Kung dati ay nagdyi-jeep lang ito kapag umuuwi sa kanyang bahay somewhere in the north at simple lang kung magsuot ng damit, ngayon, bukod sa naka-latest model ng Jaguar ay bumibili pa siya ng bagong SUV para raw mas malaki at puwede raw niyang mailagay ang kanyang mga gamit.

Nu’ng isang araw, nag-shopping pa raw ang girlet sa Makati, kung saan gumastos siya ng 70,000.00 pesoses para sa kanyang mga damit at abubots. Isang gabing shopping lang ‘yon, huh!

Nakalulula lang ang laki ng pinagbago ng kanyang lifestyle dahil wala pa ‘yatang isang buwan ang co-host ni Papi, pero sobrang laki na ang kanyang ginagastos sa mga luxuries. Take note dahil three times a week lang naman siya lumalabas sa Wowowee kaya we wonder, kung saan niya kaya nakukuha ang kanyang pinanggagastos?

Hindi kaya siya na ang bagong apple of the eye ni Papi? At si Papi rin ang dahilan ng malaking pagbabago sa buhay ng girlet na ito?

Ewan lang kung ikahihiya ng editor namin ang girlet na ito dahil pareho sila ng alma mater na pinanggalingan. He-he-he!

SINCE NABANGGIT ANG alma mater, pagkatapos ng live show ng Showbiz News Ngayon, nilinaw ni Kuya Boy Abunda ang lumalabas na isyu tungkol sa diumano’y pagde-deny daw niya na ang Lyceum University ang kanyang alma mater. Ang unibersidad daw kasi ng Ateneo ang lagi niyang binabanggit at ipinagmamalaki sa mga interviews.

Sabi ni Kuya Boy, never naman niyang idinenay ang Lyceum dahil totoong du’n daw siya nagsimula sa kolehiyo kung saan nakakuha siya ng 6 units na subject. Nang nakapagtrabaho siya sa Metropolitan Theater ay ‘saka raw niya itinuloy ang kanyang college sa Ateneo de Manila.

Sa maikling panahon daw niya sa Lyceum University, marami siyang naging kaibigan at marami din daw siyang natutunan, kaya never daw niya itong makakalimutan at never din daw niya itong ide-deny.

Sa ngayon ay malapit na ring matapos si Kuya Boy sa kanyang masteral sa Philippine Women’s University. Defense na lang daw ng kanyang thesis ang kulang and presto, puwede na niyang ituloy ang pagkuha ng Doctorate in Communications next year.

Ang never-ending na satisfaction in education daw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa ring nag-aaral si Kuya Boy and one day, gusto niyang magturo sa unibersidad. Kaya sa status niya ngayon bilang isa sa mga magagaling na TV hosts, e, patuloy pa rin siyang nagsusunog ng kanyang kilay sa pag-aaral.

KAPAG NAGTULUY-TULOY AT lumalim pa lalo ang relasyon nina Jennilyn Mercado and Dennis Trillo, hindi malayong masundan agad ang baby ni Jen.

Op kors, it’s not far from reality dahil nagka-baby na rin naman si Jen at ganu’n din si Dennis. Malay natin, magkaroon ng bunga ang pagbabakasyon nila sa Hongkong, hendehvah? He-he-he!!!

Pero we are sure na hindi natatakot ang Starstruck girl na mawala siya sa listahan ng mga hot mamas kung sakali dahil laging nandiyan si Dra. Vicki Belo as her savior, kung ang pagpapaseksi ang tatanungin.

Gaya ni Valerie Concepcion, who admitted before na talagang lumobo siya after niyang makapanganak, si Dra. Belo rin daw ang dahilan kung bakit bumalik sa dati ang curve ng kanyang katawan nang walang kahirap-hirap.

Hmmm…. ngayon, with the magic touch of Dra. Belo sa mga bagong mothers, hindi kaya lalong lumakas ang loob ng mga showbiz girlets na magka-baby dahil alam naman nilang puwedeng-puwede itong ibalik sa dati, and even better, ng celebrity doctor?

Whatdayathink, LJ Reyes?

For reactions, please e mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleCristine Reyes, todo-iwas kay Jennylyn Mercado?!
Next article‘Di patitinag sa surveys: Gibo, dinudumog sa rally

No posts to display