Bagong Bird Flu Virus, ‘Di Dapat Ikabahala – DOH

WALANG DAPAT ikabahala ang publiko sa panibagong bird flu virus na H7N9 dahil wala pang dokumentadong kaso ng human-to-human transmission.

Ito ang sinabi ni Dr. Lyndon Lee Suy, hepe ng Emerging and Re-emerging Diseases ng Department of Health (DOH).

Kamakailan lamang nang makapagtala ng tatlong kumpirmadong kaso ng nasabing bagong sakit sa Tsina kung saan dalawa na rito ang unang namatay. Bukod pa sa panibagong apat na tinamaan ng virus na pawang nasa kritikal ding kondisyon.

Dahilan nito upang pawiin ang panic ukol sa bagong sakit sinabi ng DOH na, “wala pa pong dokumentong kaso na nakakahawa ito among sa mga tao.”

Samantala, inaalam pa aniya kung galing ito sa ibon, baboy o sa mga tao. Hindi pa rin malinaw sa ngayon kung mutation ba o bagong uri ng mikrobyo ang bagong uring ito ng virus.

Bagama’t nilinaw naman ni Suy na wala pang kaso sa bansa ng H5N1 na tumama noong 2003 at panibangong H7N9, dapat maging alerto at maging maingat ang publiko dahil nandyan aniya ang banta.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.