Bagong Batch ng Stranded OFWs sa Jeddah, Dumating na

DUMATING NA sa bansa ang panibagong batch ng stranded overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Jeddah, Saudi Arabia kahapon ng umaga.

Ito ay kinabibilangan ng 22 matatanda at 18 mga bata na kasama sa mga nagkampo sa Tent City sa labas ng konsulado ng Pilipinas doon.

Sakay ang mga ito ng Emirates Airline flight 336 na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Pawang may mga sakit na ubo at sipon ang mga ito.

Agad silang sinalubong ng mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Bureau of Quarantine. Dinala sila sa clinic ng paliparan upang masuri muna ang kanilang mga kalusugan.

Sinabi ng ilang mga OFW na siksikan sa deportation center kaya nahawa sila ng ubo at sipon sa mga kapwa deportees na taga-Somalia at Indonesia.

Samantala, ipinaliwanag naman ng mga taga-OWWA ang tulong na ipagkakaloob sa kanila ng pamahalaan kabilang na rito ang “Balik Pinoy, Balik Hanap-buhay” at livelihood assistance program.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.