Bagong Batch ng OFWs galing Syria, Makauuwi na

SA PAG-IGTING ng kaguluhan sa Syria, bagong batch uli ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang makauuwi na sa Pilipinas.

Darating mamaya ng alas-4 ng hapon sakay ng Emirates flight EK-332, ang 49 OFWs na uuwi sa bansa, base sa Department of Foreign Affairs (DFA). Sagot ng International Organization for Migration (IOM),ang pamasahe ng mga OFWs.

Aabot na sa 2,930, ang kabuuang bilang ng mga napauwing Pinoy mula noong ipatupad ng pamahalaan ang repatriation dahil sa kaguluhan sa Syria. Samantala 192 pang Pinoy, ang inaayos pa ang papeles upang makauwi sa bansa. Sa ngayon, nasa pangangalaga sila ng Philippine Embassy sa Damascus.

Para sa iba pang impormasyon at sa mga may kaanak pa na nasa Syria, maaaring tawagan ang numerong ito ng DFA – (02) 834-3333 o sa Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) hotline (02) 834-4996. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.