Bagong bagyo, super typhoon na

GANAP NA ngayong super typhoon na may lakas na mahigit 200 kilometro kada oras ang bagyong papasok ngayong araw sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sinabi ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) na lumakas pa nang husto ang bagyo dahil nasa gitna ito ng Pacific Ocean.

Ang naturang sama ng panahon na may international name na Francisco ay tatawaging bagyong Urduja.

Tiniyak naman ng Pagasa na hindi ito lalapit o tatama sa alinmang bahagi ng bansa dahil agad itong aakyat patungo sa katimugan ng Japan.

Ang malaking bahagi naman ng Luzon ay patuloy na makararanas ng maulap na papawirin at mga pag-ulan.

Ito ay epekto umano ng hanging amihan mula sa hilagang-silangan ng bansa.

Samantala, ang Visayas, partikular na ang mga naapektuhan ng lindol sa Bohol at Cebu ay posibleng makaranas pa rin ng isolated thunderstorm.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.