Bagong Archbishop ng Zamboanga, hinirang ni Pope Francis

MAY BAGONG itinalagang arsobispo si Pope Francis para sa Arkidiyosesis ng Zamboanga.

Base sa report ng Vatican Radio, itinalaga ng Santo Papa si Bishop Romulo T. De La Cruz bilang bagong pinuno ng 56-taon nang archdiocese sa Mindanao.

Patungong Diocese ng Kidapawan si De La Cruz nang ianunsyo ang kanyang pagkakahirang.

Sinundang arsobispo ni De La Cruz si Archbishop Romulo Valles, DD na naglingkod mula noong 2006.

Isinilang sa Balasan noong Hunyo 24, 1947 ang bagong arsobispo at naordinahan noong Disyembre 8, 1972 sa Archdiocese ng Cotabato.

Taong 2008 nang italaga itong obispo ng Diocese ng Kidapawan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.