Bagong Anomalya ni Napoles, Ikinanta ni Luy

IKINANTA NA ng whistleblower na si Benhur Luy na may iba pang anomalya sa pamahalaan na kinasasangkutan ang tinaguriang reyna ng pork barrel fund scam na si Janet Lim- Napoles.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na base ito sa mga isinumiteng dokumento at testimonya ng whistleblower, pero hindi na niya ito idinetalye.

Bukod kay Napoles, patikular aniyang tinukoy ni Luy ang ilang kagawaran at mambabatas na tulad ng sa PDAF scam ay may implementing agencies.

Ayon sa kalihim, ang panibagong anomal-yang ito ang magiging batayan ng pagsasampa ng ikatlong batch ng mga kaso sa Ombudsman.

Samantala, inihayag naman ni Levito Baligod, abogado ni Luy na daan-daang milyong piso ang dawit sa naturang anomalya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.