Bagong All-Out Attack Kontra Kiram Group, Inilunsad

TINANGKA UMANO kahapon ng Malaysian forces na mapasok ang natitirang mga bayan na pinaniniwalang pinagtataguan ng mga miyembro ng Sulu sultanate royal army.

Base sa report ng state-run Bernama news agency, sinabi ni Armed Forces chief Zulkifeli Mohd Zin na kanilang inihanda ang paglulunsad ng “heavy attack” laban sa grupo ni Rajah Mudah Kiram sa area ng Kampung Tanjung Batu at Sungai Nyamuk.

Ipinagmalaki pa ng natu-rang opisyal ang deployment ng 12 tanke, army helicopters at naval warships para matiyak na walang pagtataguan ang tinagurian ng Malayasian government na mga “terorista”.

Sa panig ni Malaysian Police Inspector General Ismail Omar, kanya na rin umanong inatasan ang buong puwersa ng Sabah Police na paigtingin pa ang checkpoints sa palibot ng Felda Sahabat.

Una rito, sa kabila nang naunang pagsalakay ng government troops sa pinaniniwalaang stongholds ng Kiram group, nanatili pa ring mailap ang lider ng mahigit 200 Filipino-Muslims.

Ayon kay sultanate spokesperson Abraham Idjirani, pinabulaanandin nito ang ulat ng Malaysian authorities na kanilang napatay sa engkuwentro sa Sabah si former Moro National Liberation Front commander Haji Musa.

Samantala, sa isang pahayag, sinabi ni Sultanate spokesperson Abraham Idjirani na kanilang nakausap sa telepono si Raja Muda Kiram at kinumpirma nitong buhay pa si Musa.

Ayon pa sa opisyal, nakapag-regroup na umano ang grupo ni Kiram at Musa matapos magkahiwalay dahil sa inilunsad na offensive operations ng Malaysian royal forces.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.