Bago si Pacquiao; Mga smuggler, Unahin

DAPAT UNAHIN muna ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paghahabol sa mga smuggler bago si Manny Pacquiao.

Sinabi ng ama-amahan nf People’s champ na si Buhay parytylist Rep. Lito Atienza na dapat magdahan-dahan ang pamahalaan sa paghahabol kay Pacquiao hinggil sa tax case nito.

Ito ay kahit na nagkaroon na ng paglilinaw na walang freeze order sa bank deposits ng boksingero mula sa Court of Tax Appeals (CTA).

Iginiit pa ni Atienza na dapat unahin ng pamahalaan ang paghahabol sa mga smugglers dahil pinapadapa nito ang ekonomiya ng bansa.

Subalit hindi umano kinakikitaan ang gobyerno ng kamay na bakal laban sa mga smuggler.

Inihayag pa ng kongresista na dapat na maging sensitibo ang pamahalaan dahil buhay ang tinataya ni Pacquiao sa bawat laban nito kaya umaangat ang pamumuhay ng boksingero.

Pinayuhan naman ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang Pambasang Kamao na kumuha ng magaling na abogado.

Nilinaw rin ng Speaker na hindi makikialam ang Kamara sa nasabing kaso.

Samantala, katwiran pa ni Belmonte na labas ang Kamara sa naturang isyu dahil ito ay personal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.