Bago nagpatiwakal, estudyante, nag-countdown pa sa Facebook

NAGA CITY – NAGLULUKSA ang pamilya ni Jonathan Hife, 27, isang 3rd year nursing student makaraang magbigti sa isang unoccupied unit sa Alfonso Homes, Barangay Pacol sa Naga.

Natagpuan ang labi ni Hife kamakailan matapos itong magpakamatay sa nabanggit na subdivision.

Batay sa ulat, dakong alas-10:50 nang masilip ni Melchor Panio, ang nakabiting katawan ng biktima habang nakapiring ng panyo ang mga mata nito.

Magkasabay na rumesponde ang PNP Naga sa pangunguna ni Insp. Rommel Tino at Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna naman ni C/Insp. Ariel Ayusip sa nasabing lugar.

Narekober din sa pinangyarihan ng insidente ang isang suicide note, kung saan nakasaad dito ang mga katagang: “Ma, ate, nene, ikakabigla ninyo ito. Hindi ko na kaya. Panoorin na lang ninyo ang video sa laptop. Sorry… I love you,” ani ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng PNP, lu-mabas na dalawang araw nang hindi umuuwi si Hife dahilan upang magpa-blotter na ang kapatid nito. Subalit laking gulat ng pamilya ng binata nang malamang nagpakamatay na pala ito.

Napag-alaman na nagawa pa ng biktima na mag-countdown sa kanyang Facebook account bago nito tuluyang isagawa ang planong pagpapatiwakal. Kinumpirma naman ng PNP na walang foul play sa nangyaring insidente.

Sa ngayon, palaisipan pa rin sa mga kinauukulan maging sa pamilya ng biktima ang tunay na dahilan ng pagpapakamatay ng binata. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.