Bago kinalasan ng dyowa: young actress, nahuli ng mader sa kuwarto ng hotel kasama ang hunk actor!

 

NA-EXCITE KAMI NANG malaman namin ang kuwentong ito. Bago pala naghiwalay sina young actress at hunk actor, nahuli pala ito ng kanyang mader na nag-check in sa isang five star hotel sa Makati.

Palibhasa sosyal at puro foreigners ang kadalasang guests ng nasabing hotel kaya dito nila dinaraos ang init ng kanilang pagmamahalan. Ganito raw ang kanilang drama everytime na gusto nilang magtalik.

Gagamit ng ibang pangalan si hunk actor para mag-check-in and then enter sa kanyang room number. Magpapalipas ng ilang oras at susunod si young actress na naka-rugged outfit para hindi makilala. Walang kaalam-alam ang young actress na pinasundan na pala siya ng kanyang mader sa isa nitong kaibigan. Nadadalas kasing madaling-araw na kung umuwi ang anak kahit wala itong taping.

Maayos naman daw nagpapaalam ang young actress sa kanyang mader. Nang papaalis na ito ng bahay, agad na nagbihis at tinawagan ang kaibigan na nakasunod pala sa kotse ni young actress. Nang nasa hotel na ito, magkasama pa raw sumakay ng elevator ang spy ni mader at ang young star. Hindi nila kilala ang isa’t isa kaya deadma lang ang dalawa habang nasa loob sila ng elevator.

Nang lumabas na ng elevator si young actress, sumunod din ang spy na kunwari sa floor na ‘yun din siya naka-check-in. Siyempre, hinanap ni young actress ang room number ni hunk actor saka ito nag-doorbell. Nang pumasok na ito sa kuwarto ni hunk actor, mabilis na kinuha ng spy ang room number ng dalawa. Agad itong sumakay ng elevator at tinawagan si mader para i-report kung saang room number nandu’n ang young actress. Naka-standby lang pala si mader sa sasakyan malapit sa hotel.

Agad inutusan ang driver na ibaba siya sa lobby ng hotel, habang ang spy ay waiting sa entrance. Galit na tinungo ang kinaroroon ng kanyang anak. Nang sapitin na niya ang kuwarto, nag-doorbell si mader. Binuksan ni hunk actor ang pinto, laking gulat nitong ang mader ni young actress ang nasa harapan niya. Naka- topless lang ang young actor at nasa kama si young actress. Nag-iiyak sa galit si mader at pinagsasampal sa harap ng hunk actor ang kanyang anak. Kulang na lang, kaladkarin si young actress. Walang nasabi si hunk actor ng mga sandaling ‘yun, nasa-shock sa pangyayari, speechless.

Nang malaman ito ng manager ni hunk actor, sinabihan agad ito na kalasan na ang young actress dahil lumalalim na ang relasyon ng dalawa at baka makaepekto sa showbiz career ng hunk actor. Walang nagawa si hunk actor kung hindi sundin ang kagustuhan ng kanyang manager. Naloka raw ang young actress nang biglang itong nakipag-break sa kanya. Napakababaw ang dinadahilan ni hunk actor kung bakit gusto na niyang kumalas. Walang nagawa si young actress kung hindi tanggapin na lang ang paliwanag ni hunk actor.

Hanggang ngayon, iniiyakan pa rin ni young actress si hunk actor kahit may iba na itong mahal. Hindi pa rin siya maka-move-on kahit ilang beses na niyang sinabing okey na siya. Nasa puso’t isipan pa rin niya si hunk actor dahil first time niyang ibigay ang sarili sa lalaking mahal niya. Hindi nga naman ganoon kadali para kalimutan ang ‘yung first love at first experience in the name of love.

Lalo pang nagdurugo ang puso ni young actress nang malaman nitong may bagong mahal na si hunk actor. Bukod sa maganda at sexy, magaling pang actress. Kahit saang anggulo mo tingnan ang past at ang present, walang binatbat si young actress sa bagong pag-ibig ni hunk actor.

(By Eddie Littlefield)

Related Post

loading...

28 thoughts on “Bago kinalasan ng dyowa: young actress, nahuli ng mader sa kuwarto ng hotel kasama ang hunk actor!

  1. huyy baka sila nga ..jack n lovely..sarap naman kantutin si lovely ….pero ok naman si melissa..hayyy maski cnu nalang payag ako!!!

  2. MELISSA RICKS & JAKE CUENCA ANG B.I. PUCHA! NAGPAKANTOT C MELISSA K JAKE NA MABANTOT AT KABET NG MGA ZOMBADINGERZ NA BABOY! BWAHAHAHAHAHAHAHA

  3. si Aljur Abrenica at Rich Asuncion kasi cry to death itong babae ito ng  kalasan sya ni Aljur at ipalit sa kanya si Kylie Padilla.na mas may K sa kanya .Kahit may bagong dyowa na si Rich di pa rin nya malimutan si Aljur .

  4. si jake at melissa yan tapos yun aktres na magaling umarte si lovi poe. wala naman talagang binatbat si melissa sa acting ni lovi noh

  5. kung jake and melissa eh sinong yung bi ni ogie d na naupuan ang celpone ang nakiki churvahan kaya yung ang reason bakit nakipagkalas.

    Pero sa clue eh sila nga.si lovi yung pinalit.bi din dito.nakilaplapan sa elevator.

  6. hindi si jake&mel yan.. wala naman new gf si jake eh. not gerald&kim. kasi wala namang nanay si kim na susugod diba? hahahah.. pero no idea parin ako talaga! haha

  7. hindi naman siguro si melissa at jake yun, kase kung sila nga yun sino un new girl ni hunk actor?si lovi poe… eh hindi naman kagandahan yun..!

  8. nanay-zsa zsa, ex bed gf-karylle, ex bf-dingdong, current gf-marian r., my mli ata s blind item..mdmi n ksi nging ex itong si karylle before dingdong..hnd c dingdong 1st time nya..non showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.