Bagitong pulis, todas sa aksidente

RIZAL – PATAY ANG bagitong pulis matapos na sumemplang ang sinasakyang motorsiklo, Martes ng hapon sa bayan ng Taytay.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang biktima na si PO1 Ludovico Carbon Jr., 37, may-asawa na nakatalaga sa PCP-5, ng Pasig City Police Station at residente ng 622 MRR St., Purok 2, Pineda, Pasig City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng hapon sa Cabrera Road, Hapay na Mangga, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Nabatid na sakay ng kanyang SYM motorcycle na may plakang PN-5299 ang biktima galing Antipolo City nang biglang sumabog ang gulong habang tinatahak ang papalusong na kalsada.

Sa kabila nang nakasuot ng helmet, nagtamo ng grabeng pinsala ang biktma nang umilalim pa ito sa kasalubong na Isuzu Crosswind Wagon ZBD 352 na minamaneho ni Supt. Lucilo Laguna Jr., 43, may-asawa na nakatalaga sa Camp Crame.

Ang biktima ay isinugod ng Taytay Rescue Team sa Manila East Medical Center subalit hindi na rin ito naisalba pa ng mga manggagamot. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.