Bagitong Pulis, Patay sa Sariling Boga

ISANG BAGITONG pulis ang nasawi matapos aksidente nitong mabaril ang sarili sa bayan ng Bangar, La Union.

Kinilala ang biktimang si PO1 Antonio Cabarlo Jr., 34, binata, at residente ng Brgy. Lusong Norte ng nasabing bayan.

Nangyari ang insidente sa isang tindahan habang kinukumbinsi umano ng biktima ang isang dalagita na maganda ang magserbisyo sa hanay ng pulisya.

Sinabi ni SPO3 Edgardo Baldonado, chief investigator ng Bangar PNP, na ipinapakita ng biktima sa hindi na pinangalanang dalagita, kung paano ikasa at i-chamber out ang bala ng baril na isang caliber 9mm.

Inakala ng namatay na pulis na wala nang bala ang baril ngunit nang itinutok at ikinasa sa sentido nito ay biglang pumutok.

Kaagad namang rumesponde ang mga kasamahang pulis at dinala sa pinakamalapit na ospital si Cabarlo ngunit idineklarang dead on arrival.

Hindi pa malaman kung service firearm o personal na baril ng biktima ang ginamit nito sa insidente.

Samantala, pinabulaanan naman ni Baldonado ang napapabalitang sadyang nag-suicide si Cabarlo.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.