Bagitong Parak, Inutas sa Eskuwelahan

PATAY ANG isang bagitong pulis matapos pagbabarilin ng di-kilalang suspek na ikinasugat naman ng 8-anyos na mag-aaral sa bayan ng Padre Garcia, Batangas kamakailan.

Kinilala ni P/Senior Inspector Joel Ilagan, hepe ng Padre Garcia PNP ang napatay na si PO2 Dominic Bituin, naka-assign sa Provincial Special Operations Group (PSOG) ng Batangas Police Provincial Office (BPPO).

nasugatan naman si John Rio Catibog y Bernadas, grade 3 pupil ng Padre Garcia Central School.

Base sa report, naghatid lang ng anak si PO2 Bituin sa nasabing eskuwelahan nang lapitan at pagbabarilin ng gunman na naka-gray bandang alas-6:40 ng umaga.

Samantala, nadamay naman ang batang si Catibog nang tamaan ng ligaw na bala ng cal. 9mm pistol sa dibdib kung saan naisugod sa NL Villa Hospital sa Lipa City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.