Bagets, sinapian; kagawad, tinaga

TAGA SA dibdib at braso ang inabot ng isang barangay kagawad matapos tagain ng 19-anyos na lalaki na kanyang kaibigan sa lalawigan ng Surigao del Sur kamakalawa ng umaga.

Nangyari ang insidente sa bahagi ng Sitio Hanaj-Hay, Brgy. Tapi, Cantilan, Surigao del Sur pasado alas-6:00 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Marvin Uriarte Ortega, may asawa, barangay kagawad, at residente ng Brgy. Bugsukan, Cantilan, Surigao del Sur.

Habang ang suspek naman ay hawak na ngayon ng PNP at nahaharap sa kasong frustrated murder ay kinilalang si John Philip Libatog Orillaneda, 19-anyos ng Brgy. Bugsukan, Cantilan, Surigao del Sur.

Sa pagsisiyasat ng PNP, parehong nagtungo sa kani-lang palayan ang suspek at biktima na may mga dalang 27-inch na bolo at sa ‘di ma-lamang dahilan ay basta na lang pinagtataga ng suspek ang biktima bago nagawang makatakbo at makahingi ng tulong.

Sa ngayon patuloy na ginagamot sa Adela Sierra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City ang biktima.

Samantala, hindi maipaliwanag ni Ortega kung ano ang motibo ni Orillaneda para pagtangkaan siya ng buhay at pinapaniwalaang posibleng sinapian ito ng masamang espiritu habang ang suspek na arestado ay tikom din sa motibo ng kanyang ginawa.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.