Bagets na Produkto ng Artista Search, Pa-booking sa Halagang Four Kiyaw!

THIS GUY HAS the makings of a showbiz prince. But, what went wrong?

Maganda sana ang sob story nito na kinagiliwang subaybayan sa isang malaganap na artista search. Pero, dahil hindi siya mabigyan-bigyan ng bigger breaks sa network kung saan siya na-discover, hayun, we just found out na tumatanggap na ito ng bookings. Na-shock kami sa kuwento ng aming source na mahilig tumambay riyan sa isang burger house sa Timog, at swear to high heavens na nai-book sa kanya ang guwapong bagets na ito sa halagang four kiyaw.

Imagine, four kiyaw lang pala ang presyo niya. Talaga raw kumakapit na halos sa patalim ang bagets dahil ito pala ang mistulang breadwinner ng kanyang pamilyang walang ibang inaasahan kung hindi ang pag-aartista niyang wala pang makitang future sa ngayon.

Sabi ng source namin, worth it naman daw ang four kiyaw na binayad niya. Kung tutuusin, pupuwedeng magpresyo raw ng mas malaki pa kaysa roon ang bagets dahil super-well-endowed daw ito. Hindi naman daw kagalingan sa kama, pero may potensiyal daw na balang-araw ay humusay ito kung masasanay sa kalakaran.

Masasanay raw, o!

Rich ang aming friend at can afford ng mga kalalakihang showbiz. Mayroon siyang bonggang bugaw na siyang konek niya sa mga starlet at iba pang nag-aarti-artistahan sa showbiz na all too willing to go to bed with anybody, if the price is right.

Nakagugulat ang listahan ng kliyente na hawak ng bugaw at ang mga male celebrity na kanyang ikinakalakal sa tawag ng laman.

“ALAM KONG SA akin ka rin naman babagsak!” Ito ang nakagugulat na sinabi ni Willie Revillame sa Wowowee kahapon sa biglang pagsulpot ni Precious Lara Quigaman pagkatapos ng mahabang panahong hindi na napagkikita ang beauty queen sa nabanggit na ABS-CBN show kung saan isa ito sa naging regular co-hosts ni Willie noon.

Biro nga marahil ang nasabi ni Willie, pero malaman, lalo na ng idugtong din niyang, “Siguro, nagkakalabuan na naman kayo ng karelasyon mo!”

Before Wowowee, isa sa umentrang bagong judges sa Showtime si Lara. Obviously, sinamantala niya ang pagkakataong pumasyal sa set ng Wowowee dahil nami-miss niya ang mga dating kabarkada at co-hosts niya roon.

Sa Showtime, nausisa na siya ni Vhong Navarro kung may special someone ba itong kasama noong Valentine’s Day, pero naging maingat si Lara sa pagsasabing, “Baka ‘pag sinabi ko ang totoo, matanggal ako rito as one of the judges!” Isang malinaw na patutsada sa naging dahilan pa rin ng pagkawala ni Lara sa Wowowee noon dahil lumalabas na pinagselosan ni Willie ang boyfriend ni Lara noon na dinala pa ng beauty queen sa Amerika nang minsang mag-show ang Wowowee roon.

Klaro kasi ang sinasabi ni Lara noon pa na mahirap makipagtrabaho regularly sa isang taong iba pala ang intensiyon sa kanya, other than just being a co-host.

‘Yun na!

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

5 thoughts on “Bagets na Produkto ng Artista Search, Pa-booking sa Halagang Four Kiyaw!

  1. Joseph Bitangcol siguro, ‘to. May blind item din dito dati na pag binaliktad ang initials ay BJ na produkto rin ng talent search. 4K rin ang price so tugma talaga.

  2. babagsak ka pero di mapupunta sa yo c lara iwww tlga c willie hehehe kla lhat ng gurl kya mabili sori nlng sya my isang lara n my beauty n my brain pa huhuhu wawa nmn awwwwww

Leave a Reply

Your email address will not be published.