Bagets na manyak, himas-rehas

ARESTADO ANG ISANG binatilyo ma-tapos na ireklamo ng 11-anyos na batang babae dahil sa pagpasok nito sa kanyang kuwarto at ikiskis ang ari sa puwet nito kamakalawa ng madaling-araw sa Angono, Rizal.

Ang suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng Angono PNP ay nakilala sa alyas na Daniel, 16 anyos, isang OSY at residente ng Riverside, Brgy.  San Isidro ng nasabing bayan.

Nasa pag-iingat naman ng Angono MSWD ang biktima na itinago sa pangalang Krista, kapit-bahay ng suspek.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang pang-aabuso sa biktima habang ito ay  natutulog sa loob ng kanyang kuwarto.

Nabatid na nagbukas ng kanyang pinto ang biktima para magtungo sa banyo subalit nang siya ay bumalik ay nakahiga na ang suspek at nakatalukbong ng kumot.

Sa pag-aakalang ang nakahiga ay ang kanyang kuya, hinayaan na lamang niya ito subalit laking gulat niya nang hindi nagtagal ay ikinikiskis na nito ang matigas na ari sa kanyang puwitan at nagsimulang paghihipuan siya.

Sapilitan ding tinatanggal ng suspek ang short ng biktima kung kaya’t humingi na ito ng tulong sa kanyang mga kasambahay at naaresto ang suspek na nagtangka pang tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.