Bagets na Actor, Nambabading ‘Pag Walang Project!

ANG HIRAP TALAGA ‘pag ang bagets, binigyan mo ng chance na mag-artista. Merong isa, wala nang ibang ginawa kundi maghintay kung may project na darating.

Ang masaklap, ‘pag wala, dinedemonyo na ang isip. Dahil may mga kaibigang ganoon din, eh, di gano’n na rin siya.

Ano pa nga ba, “nagpapa-book” na naman ang bagets na ito. “Gano’n talaga ‘pag wala pang project, mambabading na lang muna.

“Ayos lang ‘yon. Titihaya ka lang, titirik lang sa sarap ang mga mata mo, pera na pagkatapos!” ‘Yan daw ang sinesey ngayon ng bagets.

Eh, ‘di bale sana kung ‘yun lang ang ginagawa. Pa’no kung “nakikipaglaplapan” na rin siya sa bading?

‘Yun na. Hanggang du’n na lang muna ang kuwento. At ang bagets na ito ay hindi “Dance Instructor,” ha?

NAPAKAHUSAY NI MS. Helen Gamboa sa Maalaala Mo Kaya nu’ng Saturday, in fairness. Kahit ang gumanap na asawa niyang si Robert Arevalo, ang galing.

Kuwento ng isang ina na nu’ng bata pa siya’y naudlot ang kanyang pangarap na makapagtapos kahit man lang ng high school.

Kaya nu’ng siya’y lola na, tinupad niya ang kanyang pangarap na maka-graduate sa high school sa paniniwalang kapag may tinapos ay irerespeto ka ng mga tao.

Naalala tuloy namin ang aming mga magulang. Sila’y tapos lamang ng elementarya, pero hindi naging hadlang ‘yon para hindi nila mairaos ang walo nilang anak.

Kahit kami’y high school graduate nga lang, eh. Tumuntong kami ng kolehiyo, pero hanggang first year lang ang tinapos namin, dahil kinailangan naming magtrabaho, dahil sa kakapusan ng buhay.

May mga pagkakataong iniisip naming magpatuloy sa pag-aaral. Pero sa hirap ng buhay ngayon, lalo na’t dalawang pamilya ang umaasa sa amin eh, gusto na muna naming magpakapraktikal sa buhay – pag-aaralan na lang namin ang pasikut-sikot sa industriyang iniikutan namin.

Mas mainam na itong ganitong hindi nga kami tapos, pero maraming alam na trabaho.

Kumpara sa ibang tapos nga ng kolehiyo, hirap na hirap namang makakuha ng trabaho.

Kaya naisip namin, iba pa rin ‘pag maabilidad at madiskarte ka sa buhay, ‘no? Sigurado, hindi ka magugutom.

MAY MGA NAGTATANONG sa amin kung kumusta na si Willie Revillame ngayon? Ano na raw ang pinagkakaabalahan ng kontrobersiyal na TV host matapos magbakasyon sa Wowowee?

Honestly, hindi na namin sinubok na tawagan si Willie, dahil baka busy siya sa kanyang pag-e-enjoy ng kanyang bakasyon.

So, feeling namin, okay na si Willie. Ang kanyang kahilingan, hindi man niya winish kay Genie in a bottle, eh, natupad na.

Ito’y ang mabigyan ng sapat na panahon ang kanyang pahinga nang sa gayo’y hindi na siya masyadong nape-pressure.

Oo nga naman. Aanhin mo ang marami mong pera kung may dalawang butas ka naman sa iyong puso?

Pero siyempre, hindi rin naman kasalanan ng ABS-CBN ‘yan kumba’t nagkaganoon ang health ni Willie.

Kasi, nasa ‘yo pa rin naman ‘yan, eh. Katawan mo ‘yan, ikaw ang responsable sa katawan mo.

Anyway, sana, kung nasaan man ngayon nagbabakasyon si Willie, happy siya. Sana, wala ring panghihinayang sa kanyang kalooban, dahil mas makasasama ‘yon sa kundisyon ng kanyang puso.

Sanayan lang siguro ‘yan, Wil.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

20 thoughts on “Bagets na Actor, Nambabading ‘Pag Walang Project!

  1. hoy ogie wla kang k kwenta kwenta mgbgay ng blind item gawa gawa m lng cguro yn..bkit ayaw mong mgbgay ng specific n clue buti p c cristy fermin…hmf

  2. ANG TATAY KO JUDGE ANG NANAY KO CEO NG FORTUNE 100 KUYA KO GENERAL SISTER KO SURGEON.HOY LOVE IT.MANINIWALA AKO KUNG MAY MGA SENSE PINAGSUSULAT MO GAGAH.KASO LUMALABAS PAGKA BOBAH MO.MEANING NANAY AT TATAY MO KALAMAY ANG UTAK.AKALA NG MGA ITO MALOLOKO NILA ANG MGA TAO DITO.HIHIHIHIHIHI BOBAH NGA.

  3. LOVE IT LOKOHIN MO SARILI MO.KUNG DR NURSE PAMILYA MO BAKIT ANG MGA PINAGLALAGAY MO DITO PURO WALANG KATUTURAN DI KA PA PALA BOBAH SINUNGALING KA DIN.HUWAG KAYONG MANIWALA JAN MAHILIG IYANG MANLOKO AT MAGYAYA NG CYBER SEX.

  4. Anyway, sana, kung nasaan man ngayon nagbabakasyon si Willie, happy siya. Sana, wala ring panghihinayang sa kanyang kalooban, dahil mas makasasama ‘yon sa kundisyon ng kanyang puso.

    Sanayan lang siguro ‘yan, Wil
    _________
    Ha ha ha. Malinaw pa sa araw ang ibig sabihin nito. NA HINDI nagi enjoy si Willie sa kanyang BAKASYON!!!! Sanayan lang iyang WALANG TRABAHO.

    mAYABANG KASI NG SOBRA KAYA AYAN…AKALA NIYA , ISA NA SIYANG HARI na lahat gn sabihin ay hindi mababali.

    Kanya kanyang oras lang iyan, Willie.

    Pag natapatan ka ng oras mo..kahit isang JOBERT SUCALDITO lang ang gawin mong tapakan at lampaso ay NADADAPA, NASISILAT AT NAHUHULOG DIN SA BANGIN ang HARI !!!!

    Siguro naman ngayon, NAKAYUKO na ang ulo mo na dati ay palaging nakataas ang noo na hindi na nakikita ang LUPA!!!!

  5. SI WILLIE HINDI NA IYAN MAKAKABALIK LALO NA KUNG GAGAWING PERMANENTE SI BINOE.LAOS KA NA WILLIE

  6. NAKU OGIE I AM SURE SA DAMING PERANG NAWAWALA KAY WILLIE NA MAYABANG AT HAMBOG NAGSISISI SIYA NGAYON SA MGA KAWALANGHIYAAN NIYA.AYAW NA NAMIN SA KATANDAAN AT KAPANGITAN NI WILLIE SANA MAGING PERMANENTE NA SI BINOE.AT IKAW BOBANG BOBANG LOVE IT ANONG KLASENG MAGULANG MAYROON KA BOBAH.IPAGTANGGOL MO ANG HAMBOG NA WILLIE NA IYAN HINDI KITA KILALA SA PERSONAL PERO 100 PERCENT AKONG GALING KA SA PAMILYANG MGA WALANG EDUKASYON.HIHIHIHIHIHI

    • paanong walang edukasyon po ang pamilya ko.. ang mother ko ay isang doktor sa U S of A. at ang aking mahal na ama naman ay isang professor sa isang kilalang universidad diyan sa Manila.. may kapatid akong Abogado, at isang Nurse at isa po ako sa sinasabing nasuwertihan na mag trabaho 4 years ago sa Australia bilang isang Computer Software Engineer.. alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun?

  7. Willie will always be remembered as Wowowee…Kahit sino paipalit di kaya tumbasan…I always watch wowowee every off ko.,,pang pa relax ba..Natutuwa ako esp willie of fortune..pero ngayong wala na si Will ayoko na manuod…

  8. pagtuunan mo muna sarili mo will…saka gudluck, hababng nagpapahinga, bka maka-buo ka ng baby will…luv u

  9. B.I.: At ang bagets na ito ay hindi “Dance Instructor,” ha?

    kung hindi sya Dance Instructor, malamang si Dion Ignacio sya, hehe.. Ogie, ibook mo naman ako ke DI, oh. type ko sya, in pernis!

Leave a Reply

Your email address will not be published.