Bagets, Dedo Sa Pag-sagip Sa 6 Dabarkads

BAGAMAN PATAY na ay bayani pa ring maitutu-ring ng kanyang anim na kaibigan ang 16-anyos na binatilyo na nalunod nang pulikatin dahil sa pagliligtas sa kanila kamakalawa ng hapon sa bayan ng Binangonan, Rizal

Kinilala ni Binangonan chief ofPolice Chief Insp. Bart Marigondon ang nasawi na si Welfredo Bernardo, residente ng Sitio San Antonio, Brgy. Tayuman, ng nasabing bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa Lawa ng Laguna sakop ng Sitio Sapa, Brgy. Mabuhay, Binangonan, Rizal.

Nabatid na sakay ng isang bangkang yari sa fiber glass ang magkakaibigan kabilang ang dalawang dalagita nang bigla itong tumaob na naging dahilan ng paglubog.

Nabatid na isa-isang sinagip ng biktima ang mga kaibigan na hindi marunong lumangoy at nang ligtas na ang mga ito ay biglang nakaramdam ng pulikat na naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

Inaalam na ng pulis-ya kung sino ang may-ari ng bangka at kung mayroon itong pananagutan sa pagkalunod ng biktima.

 (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.