‘Bagani’ ng LizQuen, ’di mapataob ng kalaban

Bagani stars Liza Soberano and Enrique Gil

SA KABILA ng mga intrigang pinupukol sa programa ay nanatiling tinatangkilik ng sambayanan ang fantaseryeng Bagani.

Mula nang umere ang serye noong Marso, agad nakuha ng Bagani ang puso ng primetime viewers dahil sa napakaganda nitong visual effects at kakaibang kwento.

Hindi pa rin ito matinag pagdating sa ratings game. Noong Martes (Mar 27) lang ay muli nitong tinalo ang kalabang Kambal, Karibal sa national TV rating na 33.4% kumpara sa Kapuso show na may 20.2% lang. Lagi rin itong trending sa social media.

Sa paglabas nga ng karakter ni Dimples Romana bilang ang babaylan na si Gloria, muli na namang nag-trend ang serye dahil sa kwelang hatid ng pinauso nilang ritwal na “Mekeni, Mekeni, tugtog Do Re Mi.”

Maging ang It’s Showtime host na si Vice Ganda ay hindi nagpahuli at ginamit pa ito sa noontime show.

Hindi pa man umeere ang serye ay naging matu-nog na ito sa publiko dahil sa naging hindi pagkakaunawaan nito sa indigenous peoples groups. Agad naman itong niresolba at binigyan ng respeto ng show ang saloobin ng kabilang panig.

Patuloy ngang ipinapalabas ang disclaimer sa simula ng programa na kumikilala sa tunay na mga bagani. Nagsisilbi itong patunay sa mabuting hangarin ng programa at layunin nitong magbigay aliw lamang sa pamamagitan ng isang kwentong kathang isip lamang.

Napapanood ang Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.