Badong at Corrine ng Tabing Ilog

Paano kung sa hinaba-haba ng prusisyon, sina Desiree del Valle at Paolo Contis pa rin pala ang magtatagpo sa dambana at magkakatuluyan? Bakit hindi? Tutal, bago sina Nancy Castiliogne, Isabel Oli at Lian Paz, nandiyan si Corrine na bumihag ng batang puso ni Badong ng Tabing Ilog.

Ipinanganak si Desiree Lois del Valle Dunham o Des sa Pilipinas noong May 28, 1982 mula sa amang Irish-American at  inang Filipina.

Samantalang ipinanganak naman si Paolo Enrico Contis noong Marso 14, 1984 mula sa amang isang Italian at inang Filipina. Makulit at nakakatuwa/ nakakatawa ang child star noon na si Paolo. Napanood natin siya sa Ang TV at Oki Doki Dok.

Nang ilunsad ng ABS CBN ang Tabing Ilog, ang nagbibinata at nagdadalaga noon na sina Des at Paolo ang magka-loveteam, na nauwi sa relasyon sa totoong buhay.

Pero may kani-kanyang landas na tinahak ang dalawa – sa larangan man ng career o pag-ibig. Naging kontrobersiyal si Des nang magpakasal siya sa kanyang lesbian lover na nauwi rin sa hiwalayan. Nagkaroon siya ng iba pang nobyo at ang pinakahuli, si Vhong Navarro, na balitang nakahiwalay rin niya. Samantala, nagkaroon din ng mga dyowa si Paolo hanggang sa humantong siya sa kandungan ni Lian Paz.

Sa larangan ng karir, nag-ober da bakod si Paolo sa Kapuso at  nabigyan doon ng iba’t ibang shows. Samantalang si Des, nasa Kapamilya pa rin at gumaganap bilang Matilda sa patok na seryeng May Bukas Pa at aabangan din sa The Wedding.

Ni Mayin de los Santos
Photos by Parazzi Wires, Luz Candaba and Fernan Sucalit

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.