Bading, utas sa 21 saksak

 

KALUNOS-LUNOS ANG sinapit ng isang miyembro ng third sex makaraang saksakin ng 21 beses hanggang sa mamatay ng hindi nakikilalang lalaki sa isang madamong bahagi ng Bacolod City, Negros Occidental.

Ala-1 ng hapon nang matagpuan ng mga basurero ang bangkay ng biktimang pinangalanang ‘BB Gandang Hari’ sa madamong bahagi ng Real Estate Development Corp., Port Number 3 at saka ipinaalam sa Bacolod City Police.

Walang nakuhang identification card sa biktima na nakasuot ng kulay puting sleeveless shirt, kulay puting skinny jeans, nakasuot ng mahabang hikaw at kulay kayumangging tsinelas ang biktima.

Nasa limang talampakan ang taas nito at tinatayang nasa pagitan ng 20-26 anyos.

As of 3 p.m. kahapon ay wala pang nagki-claim sa bangkay na nakalagak sa ABES Funeral Homes kaya naman nanawagan ang pulisya sa mga residente sa lugar kung may nawawala sa kanilang pamilya.

Samantala, hinihinalang pagnanakaw o usapin sa pera ang posibleng motibo ng pagpaslang sa biktima.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Bading, utas sa 21 saksak

  1. POLITICALLY INCORRECT po na tawaging THIRD SEX ang mga bading. YOU SHOULD KNOW THAT BY NOW. HELLOW?

Leave a Reply

Your email address will not be published.