Bading, Todas sa Gilit ng Papa

PATAY ANG isang bading na staff ng konsehal matapos itong pagsasaksakin at gilitan ng kanyang papa sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng gilit sa leeg at mga saksak sa katawan si Domingo Dimas, 36, staff ni Valenzuela Councilor Lorie Natividad, ng Villa Martha Subd., Parada ng lungsod.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Roberto Givera, 24 ng lungsod.

Sa salaysay ng pamangkin ng biktima na si Jerico James Dimas, alas-4:45 ng hapon, nagising siya sa  pagtulog sa unang palapag ng bahay ng biktima nang makarinig ng mga kaguluhan sa kuwarto ng kanyang tito na nasa ikalawang palapag.

Nang akyatin ay nakitang nasa aktong lalabas ang biktima subalit biglang sinara ng suspek at ikinandado.

Nakita ng saksi na may bahid ng dugo ang pinto ng kuwarto na naging dahilan upang lumabas ng bahay at ikinandado ang pintuan bago humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita ang suspek na pilit binubuksan ang pintuan ng bahay sabay sabing hinimatay raw ang biktima habang nakikipag-sex, subalit hindi naniwala ang pamangkin ni Dimas at hindi tinanggal ang lock sa labas.

Maya-maya pa ay umakyat sa terrace ang suspek at doon bumaba hanggang sa makatakas habang agad na pinuntuhan ng mga kapitbahay ang biktima na duguan na naging dahilan upang dalhin sa VGH.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa krimen.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.