Bading, Pinaholdap ng Amiga

NIYAYANG UMINOM ang bading ng kanyang amigang bakla bago pinaholdap sa Malabon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Emynick Soriano, 24, ng Tabing Dagat, Daanghari, Navotas City.

Nadakip naman si Eric Trinidad, alyas Rica, habang pinaghahanap naman sina Jayvee Gasa; Gary Enriquez; alyas Fervic at Jaybee Bayag, pawang ng San Agustin, Malabon City.

Sa ulat, inaya ni Rica ang biktima na mag-inuman sa kanilang lugar at pagsapit ng alas-2 ng umaga ay inihatid pa ng mga suspek ang biktima sa sakayan.

Habang daan ay tinutukan ng mga suspek ng baril at patalim ang biktima bago kinuha ang dalang bag na naglalaman ng $2,000 at cellphone bago nagsitakas.

Nagsumbong naman sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Rica habang nakatakas ang mga kasama dala ang mga nakulimbat.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.