Bading, Ninakawan at Tinigok ng 3 Dyowa

TADTAD NG saksak at naliligo sa sarliling dugo ang isang bading nang matagpuan ng pulisya sa Dagupan City.

Nakilala ang biktima na si Joe Villanueva, isang parlorista ng David Salon sa Nepo Mall sa Dagupan na tubong Maynila.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakarinig ng ingay ang mga kapit-bahay nito dakong alas-4:00 kahapon ng madaling-araw.

Ngunit dahil nasanay silang may inuman sa loob ng bahay ng biktima kaya’t hindi na nila ito pinansin dahil sa pag-aakalang nagkakasiyahan lamang kasama ang tatlong kalalakihan na ipinagmamalaki at ipinakilala nitong mga nobyo.

Pinaniniwalaan na nanlaban ang biktima dahil magulo ang lugar at nagkalat ang dugo ng biktima sa loob ng bahay.

Sinasabing pinagnakawan ang biktima dahil nawawala na ang lahat ng kanyang mga alahas at mga gamit.

Natagpuan din sa crime scene ang tatlong balisong na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Samantala, tinata-yang nasa 20-anyos pababa ang mga salarin na nakita pa ng isang matanda sa lugar na patakbong umalis palabas ng bahay.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng Da-gupan City PNP ang nangyaring krimen para matukoy ang mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.