Bading, Natagpuang Patay sa Loob ng Salon

PATAY NA NANG matagpuan ang isang bading na beautician nang madiskubre ito ng kanyang mga kasamahan sa loob ng salon na kanyang pinagtatrabahuhan kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima ay nakilalang si Ranilo Paulate, 45, stay-in beautician ng Rona Beauty Salon na matatagpuan sa # 578 A. Mabini St., Brgy. 5, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan isang malamig na bangkay na ang biktima sa loob ng nasabing salon.

Ayon sa saksing si Rogelio Evangelista Jr., 36, vendor, may-asawa, ng Block 38, Lot. 13, Sabalo St., ng nasabing lungsod, napadaan ito sa naturang lugar at napasilip sa salon. Dito, nakita niya ang biktima na hindi na gumagalaw dahilan upang ipagbigay-alam sa pulisya ang nasabing insidente.

At nang respondehan, nadiskubreng may ilang oras na ang nakalipas na patay ang biktima. Hindi naman nakitaan ng anuman sugat sa katawan ang biktima palatandaan kung pinatay ito.

Inaalam na rin ng pulisya ang dahilan ng pagkamatay ng biktima o kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.