Bading, nang-blackmail ng dyowang kano; tiklo

CEBU CITY – NADAKIP sa entrapment operation ng mga operatiba ng Investigation Detection and Management Branch (IDMB) ng Cebu City Police Office ang isang bading, dahil sa pangba-blackmail nito sa kanyang dating kasintahan na isang American national sa Mango Square, Cebu.

Kinilala ang naaresto na si Vladimir Silao, 21, isang registered nurse na taga-Doña Cristina Subdivision, Brgy. Banawa.

Dumulog sa kanilang tanggapan ang 19-anyos na dayuhan na kasalukuyang nag-aaral sa Cebu, ayon sa hepe ng IDMB na si C/Insp. Bonifacio Garciano.

Napag-alaman na nagkakilala ang dalawa sa Facebook at sa loob ng anim na buwan na pag-chat, nagkaroon umano ng relasyon ang dalawa.

Ito’y matapos na magpanggap ang bading na isang babae sa katauhan ng isang “Collin Garcia”.

Ngunit nang inamin ni Silao na siya ay isang bading, tila lumayo na umano ang loob ng dayuhan sa kanya.

Dahil dito, nagalit ang bading at pinagbantaan nito ang dayuhan na ipo-post sa Facebook ang mga larawan nito kung saan ay wala itong saplot kung hindi makikipagbalikan sa kanya.

Inamin naman ng dayuhan na nagpadala siya dati ng nude pictures sa suspek nang magkasintahan pa sila.

Pinasinungalingan naman ito ng suspek at sinabi nito na gusto lang niyang makuha ang cellphone ng kanyang ina na hawak ng biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.