Bading na Tulak, Balik-Kulungan

HALOS ISANG buwan pa lamang nakalalaya mula sa limang taong pagkakakulong sa kaso ng ipinagbabawal na droga, balik-kulungan ang isang bading na umano’y tulak ng Shabu sa Plaridel, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/C Insp. Rodolfo Santiago ll, ng Criminal Investigation and Detection Team, kay P/C Supt. Francisco Uyami, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Rolando Jacinto, Jr., alyas Amboy, 27 anyos, residente ng Brgy. Banga 2nd, Plaridel.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Pagsibigan at SPO1 Hipolito, dakong alas-11 ng hating-gabi nang ilunsad ang  “Oplan Panlalansag Omega” at “Oplan Big Bertha” sa nabanggit na lugar.

Dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang madakip ang suspek habang nakikipagtransaksyon sa kanyang mga kliyente sa naturang lugar nang dambahin nina PO1 Lacsina at PO1 Jimenez at PO3 Santos, Jr.

Nakumpiska mula sa suspek ang mahigit sa limang gramo ng Shabu, at isang cal.38 na baril at mga bala.

Nabatid na kailan lang lumaya ang suspek na bading sa kasong  droga, subalit muli itong bumalik sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

Kasong paglabag sa PD 1866 na Republic Act 8294 o Illegal Possesion of Firearms and Ammunition at paglabag sa RA 9165.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.