Bading na Restaurant Manager, Nagpatiwakal

TINOTOO NG isa umanong bading na restaurant manager ang banta na magpapatiwakal dahil sa dinadalang problema matapos na makita siyang nakabigti sa loob ng kanyang bahay, ilang oras matapos ang pakikipag-usap sa cellphone sa isang kasamahan sa Quezon City, kamakailan.

Kinilala ni PO3 Erickson Isidro, ang nagpakamatay na si Armando Cequena, 30, store manager sa Kangaroo Jack restaurant.

Sinabi ni Isidro na patay na nang matagpuan si Cequena ganap na alas- 5:15 ng gabi sa kanyang bahay sa Marivelles St., Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.

Nagbigti ito sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng kanyang silid gamit ang isang kulay puting electrical cord na ipinalupot sa kanyang leeg.

Nabatid ni Isidro na ang bahay ay pag-aari ng umano’y lalaking live-in partner ng biktima na isa umanong doktor na nasa lalawigan.

Bago ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima, sinabi sa mga awtoridad ni April Malaya, kasamahan sa trabaho ng biktima, nasa trabaho siya nang tumawag ang biktima sa kanyang cellphone ganap na ala-1:05 ng hapon.

Nagsabi umano sa kanya ang biktima na gusto na niyang magpatiwakal dahil sa problemang dinadala at sa kasalanang ginagawa niya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.