Bading na parak, ok mag-out

SA HARAP na rin ng bukas-kamay na pagtanggap ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga bakla, kahit noon pa man, upang maging bahagi ng institusyon, inihayag ng pulisya na marami pa rin silang mga kabaro ang hindi naglaladlad ng kanilang tunay na identity o pagkatao.

Ayon kay Supt. Lucio Rosaroso, acting chief directorial staff ng PNP chaplain service, kapansin- pansin naman na may mga miyembro ng pulisya ang dumadaan sa identity crisis, pero wala pang tapang ang mga itong iladlad ang kuwestiyonableng kasarian.

Punto ni Father Rosaroso, wala naman daw silang nakikitang masama kung kabilang man ang ilan nilang kasama-han sa tinatawag na third sex. Papasok lang daw ang problema kung gagawa ito ng mga imoral. Makakasama hindi lang sa kanilang pagkatao, kundi pati na sa imahe ng PNP.

Binigyang-diin ng paring pulis na hindi kabawasan sa pagkatao ng isang alagad ng batas kung aamin siya sa kanyang seksuwalidad, gayong ang mahalaga naman aniya’y maalagaan nito ang kanyang dignidad, hindi lang sa kanyang personalidad kundi maging sa kanyang propesyon.

Ganunpaman, hindi naman aniya nila mapipilit ang mga ito na lumantad na, pero  bukas aniya ang kanilang tanggapan   anumang oras at naghihintay lang sila na mag-confess ang mga ito.

Wala rin aniyang diskriminasyon silang nakikitang nangyayari sa PNP at sa halip, umiiral dito ang equal rights sa ngalan na rin ng tinatawag na gender sensitivity.

(SIG CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.