Bading na Gun Runner, Timbog sa Entrapment

HINDI NA nagawang makatakas pa ng isang bading matapos malaglag sa “Oplan Paglalansag” sa  ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Team sa Brgy. Bagong Nayon, Baliuag, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief  Insp. Rodolfo Santiago ll kay P/Chief Supt. Francisco Uyami Jr. ng CIDG, kinilala ang suspek na si Luisito San Miguel, alyas Chito, 47 anyos, ng Brgy. Banga 2nd, Plaridel.

Base sa inisyal na imbestigasyon nina SPO2 Culayan, SPO1 Pagsibigan at SPO1 Hipolito, dakong alas- 9 ng gabi nang makipagkasundo ang suspek na ibebenta nito ang dalang cal.45 at rifle granade sa murang halaga lamang.

Nabatid na walang anumang dokumento ang dala nitong armas, dito na sinunggaban nina PO3 Santos, Jr., PO1 Elly Lacsina at PO1 Jimenes ang suspek.

Nakuha rin sa suspek ang isang Yamaha Mio na walang plaka na pinaniniwalaang carnap. Samantala, detenido ngayon ang bading sa CIDT detention cell sa kasong paglabang sa RA 9516 at RA 10591.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.